TalkBack
Ang TalkBack ay isang serbisyo ng screen reader para sa mga user na may kapansanan
sa paningin. Gumagamit ang TalkBack ng sinasalitang feedback upang maglarawan ng
anumang mga kaganapan o pagkilos na isinasagawa sa iyong Android device.
Inilalarawan ng TalkBack ang user interface at nagbabasa ito ng mga error sa software,
mga notification at mga mensahe.
Upang i-enable ang TalkBack
1
Sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Pagiging maa-access > TalkBack.
3
Tapikin ang slider sa ilalim ng
TalkBack at pagkatapos ay tapikin ang OK.
Upang magbago ng mga kagustuhan sa pananalita, feedback at pagpindot para sa TalkBack,
tapikin ang
Mga Setting, pagkatapos ay tapikin ang screen nang dalawang beses.
Agad na naglulunsad ng tutorial ang TalkBack pagkatapos mong i-enable ang feature. Upang
lumabas sa tutorial, tapikin ang , pagkatapos ay dalawang beses na tapikin ang screen.
Upang ma-disable ang TalkBack
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay dalawang beses na
tumapik sa kahit saan sa screen.
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting, pagkatapos ay dalawang beses na tumapik
sa kahit saan sa screen.
3
Hanapin at tapikin ang
Pagiging maa-access, sa pamamagitan ng pag-scroll sa
listahan gamit ang dalawa o higit pang daliri, pagkatapos ay dalawang beses na
tumapik sa kahit saan sa screen.
4
Hanapin at tapikin ang
TalkBack, sa pamamagitan ng pag-scroll sa listahan gamit
ang dalawa o higit pang daliri, pagkatapos ay dalawang beses na tumapik sa kahit
saan sa screen.
5
Tapikin ang switch sa pag-on/pag-off at pagkatapos ay tumapik kahit saan sa
screen.
6
Tapikin ang
OK, at pagkatapos ay tumapik kahit saan sa screen.