Sony Xperia X Compact - Pag-mirror ng screen ng iyong device nang wireless sa isang TV

background image

Pag-mirror ng screen ng iyong device nang wireless sa isang TV

Maaari mong gamitin ang feature na Pag-mirror ng screen upang ipakita ang screen ng

iyong device sa isang TV o iba pang malaking display nang hindi gumagamit ng

koneksyon ng kable. Ang teknolohiyang Wi-Fi Direct™ ay gumagawa ng wireless na

koneksyon sa pagitan ng dalawang device, upang magawa mong mag-relax at tingnan

ang iyong mga paboritong larawan habang nakaupo sa iyong sofa. Magagamit mo rin

ang feature na ito upang makinig sa musika mula sa iyong device sa pamamagitan ng

speakers ng TV.

Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, paminsan-minsan ay maaaring mabawasan ang

kalidad ng imahe kung mayroong interference mula sa iba pang mga Wi-Fi network.

Upang i-mirror ang screen ng iyong device sa isang TV screen

1

TV: Sundin ang mga tagubilin sa Gabay ng user para sa iyong TV upang i-on ang

function na pag-mirror ng screen.

2

Iyong device: Sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Koneksyon ng device > Pag-mirror ng

screen.

4

Tapikin ang

Simulan.

5

Tapikin ang

OK at pumili ng device.

Dapat ay sinusuportahan ng iyong TV ang pag-mirror ng screen batay sa Wi-Fi CERTIFIED
Miracast

upang gumana ang function. Kung hindi sinusuportahan ng iyong TV ang pag-mirror

ng screen, maaaring kailanganin mo pang hiwalay na bumili ng wireless display adapter.

Gayundin, kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, huwag takpan ang lugar ng antenna Wi-

Fi ng iyong device.

Upang itigil ang pag-mirror ng screen sa pagitan ng mga device

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Koneksyon ng device > Pag-mirror ng

screen.

3

Tapikin ang

Idiskonekta, pagkatapos ay tapikin ang OK.