Pagdaragdag ng medikal at pang-emergency na impormasyon sa
pakikipag-ugnayan
Magagawa mong magdagdag at mag-edit ng emergency na impormasyon sa
application na Mga Contact. Makakapagpasok ka ng mga detalyeng medikal, gaya ng
mga allergy at mga gamot na iniinom mo, pati na ng impormasyon tungkol sa mga
kamag-anak at kaibigan na maaaring makaugnayan kung sakaling magkaroon ng
emergency. Pagkatapos ng pag-set-up, maa-access ang iyong emergency na
impormasyon mula sa panseguridad na screen ng lock. Nangangahulugan ito na kahit
naka-lock ang screen, halimbawa, gamit ang isang PIN, pattern o password, makukuha
pa rin ng mga tauhan sa emergency ang iyong emergency na impormasyon.
1
Bumalik sa pangunahing screen ng Mga Contact
2
Tumingin ng higit pang mga opsyon
88
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
3
Ang medical at personal na impormasyon at tab na mga emergency na contact
4
Ang medical at personal na impormasyon
Upang ipasok ang iyong medikal na impormasyon
1
Sa iyong
Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang .
2
Tapikin ang .
3
I-edit ang gustong impormasyon.
Upang magdagdag ng bagong emergency na contact
1
Sa iyong
Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang .
2
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang
CONTACT > Magdagdag ng contact.
3
Tapikin ang contact na gusto mong gamitin bilang isang emergency na contact.
Ang emergency na contact ay dapat may kahit isang numero ng telepono na matatawagan ng
mga tauhan sa emergency. Kung naka-lock ang iyong device gamit ang isang panseguridad na
lock ng screen, ang numero ng telepono lang ng emergency na contact ang makikita ng
tauhan sa emergency, kahit na may iba pang impormasyon na ipinasok sa application na Mga
Contact.