Sony Xperia X Compact - Pagtiyak na napoprotektahan ang iyong device

background image

Pagtiyak na napoprotektahan ang iyong device

May ilang opsyong panseguridad sa iyong device, na lubos na inirerekomenda kung

sakaling mawala ito o manakaw.
Ang mga opsyong ito ay ang mga sumusunod:

Magtakda ng secure na lock ng screen sa iyong device gamit ang isang PIN, password,

o pattern upang mapigilan ang sinuman na ma-access o ma-reset ang iyong device.

Magdagdag ng account sa Google™ upang mapigilan ang iba sa paggamit ng iyong

device kung manakaw o mabura ito.

I-aktibo ang “Proteksyon ng my Xperia” o ang serbisyo sa web na Android™ Device

Manager. Gamit ang isa sa mga serbisyong ito, maaari mong malayuang mahanap, ma-

lock o ma-clear ang isang nawawalang device.

Pagpapatotoo sa pagmamay-ari ng iyong device

Kinakailangan ng ilang feature na pamprotekta na i-unlock mo ang iyong screen gamit

ang iyong PIN, password, pattern, o ipasok ang impormasyon ng iyong account sa

Google™. Nasa ibaba ang mga halimbawa ng mga feature na pamprotekta at ang ilan

sa mga kinakailangang kredensyal:

Pagprotekta na

Pag-reset sa

Factory Data

Dapat mong i-unlock ang iyong screen bago ka payagang

magsagawa ng Pag-reset sa Factory Data.

Pagprotekta mula

sa my Xperia

Kung malayuan mong ire-reset ang iyong device gamit ang serbisyong

ito, dapat kang magpasok ng username at password para sa isang

Google™ account na nauugnay sa serbisyo. Nakakonekta dapat ang

device sa Internet para makumpleto ang proseso ng pag-set up. Kung

hindi, hindi mo magagamit ang iyong device pagkatapos ng pag-reset.

Android™ Device

Manager

Kung malayuan mong ire-reset ang iyong device gamit ang serbisyong

ito, dapat kang magpasok ng username at password para sa isang

Google™ account. Nakakonekta dapat ang device sa Internet para

makumpleto ang proseso ng pag-set up. Kung hindi, hindi mo

magagamit ang iyong device pagkatapos ng pag-reset.

Pag-aayos ng

software

Kung gagamitin mo ang software na Xperia™ Companion para

magsagawa ng pag-aayos ng software, hihilingin sa iyo na ipasok ang

username at password ng iyong Google™ account kapag binuksan

mo ang device pagkatapos ng pag-aayos.

Para sa Android™ Device Manager, kinakailangang magpasok ng impormasyon mula sa isang

Google™ account. Maaaring gamitin ang anumang Google™ account na na-set up mo sa

device bilang isang may-ari. Kung hindi mo maibibigay ang nauugnay na impormasyon ng

account sa isang proseso ng pag-set up, hindi mo talaga magagamit ang device.